Ni MARIVIC AWITAN

Nagsolo sa liderato ang University of Perpetual Help nang gapiin ang dating co-leader De La Salle,25-20, 25-15, 19-25, 14-25, 15-12, kahapon sa pagpapatuloy ng Spiker’s Turf Season 2 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagsanib-puwersa ang kambal na sina Rey at Relan Taneo upang pangunahan ang Altas sa ikalawang sunod na panalo.

Nagtala si Rey ng 16 na puntos na kinabibilangan ng 13 hit at dalawang ace habang nagtala naman si Relan ng 12 puntos na kinabibilangan ng 11 hit, bukod pa sa apat na dig, upang manguna sa nasabing tagumpay.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nag-ambag naman sina Manuel Doliente at Patrick Ramos ng tig-11 puntos para maigupo ang Green Archers na halos mag-isang binuhat ni Raymark Woo na nagtala ng game-high 27 puntos, tampok ang 22 hit, apat na block at isang ace.