Tumatag ang Mapua sa ikatlong puwesto matapos ilampaso ang University of Perpetual Help, 100-76, kahapon sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament, sa San Juan Arena.

Binigyan ng pagkakataon ni coach Randy Alcantara ang kanyang stringer at nagawa namang mag-deliver ng grupo matapos humanay ang mga ito sa kanilang mga starter sa scoring.

Nagtala ng 15 at 14 na puntos sina Chris Escamis at Wil Gozum kapantay nina Sherwin Concepcion at Romuel Junsay, ayon sa pagkakasunod, upang pangunahan ang Red Robins sa pagkopo ng kanilang ikaanim na panalo sa walong laro.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Junior Altas sa ikaanim na puwesto matapos malasap ang ikalimang talo sa siyam na laro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna rito, nanatili namang bokya ang Emilio Aguinaldo College- ICA makaraan ang siyam na laban pagkatapos padapain ng CSB-La Salle Greenhills, 87-74.

Nagsalansan ng game-high 22 puntos si Troy Mallinlin upang pamunuan ang Junior Blazers sa pag-angkin ng ikalimang tagumpay sa loob ng walong laban na nag-akyat sa kanila sa ikaapat na posisyon. (Marivic Awitan)