ANG kontrobersiyal na Quiapo road rage shooting ang tampok ngayong Sabado sa Imbestigador.

Nagsimula sa pagtatalo, humantong sa suntukan hanggang nauwi sa pamamaril ang laman ng isang viral video noong nakaraang linggo na nakunan ng CCTV camera. Sa video, makikita ang girian ng lalaking sakay ng kotse at isa pang lalaki na nakabisikleta. Pagkatapos magsuntukan, binaril ng nakakotse ang nakabisikleta.

Nakilala ang biktima na si Mark Vincent Garalde. Pero hindi naging malinaw sa kuha ng CCTV ang plaka ng kotseng nakaalitan niya. Isang lalaking naglalakad habang nagaganap ang krimen ang naging susi para tuluyang makilala ang suspek. Natandaan niya ang conduction sticker ng sasakyan ng motorista, na nakilalang si Vhon Martin Tanto.

Paano nga ba humantong sa madugong krimen ang awayang ito? Alamin sa Imbestigador ngayong Sabado, 5:15 PM sa GMA-7.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter