CAMILING, Tarlac - Isang binata ang nakaharap ngayon sa kaso matapos niya umanong halayin ang dalagitang dati niyang nobya at kinuhanan pa ng video ang krimen sa Purok 1, Camiling, Tarlac.

Ayon kay PO3 Alyn Pellogo, nagreklamo ang biktimang Grade 10 student ng Marawi National High School sa Paniqui laban sa dati nitong nobyo na si Zaldy Dancel, 22, ng Barangay Pindangan 1st, Camiling, Tarlac.

Naging text mate ang biktima at suspek hanggang sa nagkamabutihan at noong nakaraang buwan ay dinala ang dalagita sa damuhan ng Sitio Pugo sa Bgy. Cacamilingin Norte at hinalay habang kinukuhanan ng video, sa pamamagitan ng cell phone.

Nagbanta umano si Dancel sa biktima na ikakalat ang video kapag isinumbong ang panghahalay kaya maraming beses pang naulit ang panggagahasa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog