FOLLOW-UP ito sa nasulat ni Katotong Jimi Escala kahapon tungkol kay Maja Salvador na tatanggalin na sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa episode ng nangungunang primetime show na napanood namin noong Miyerkules ng gabi, ipinakitang nagpapaalam na si Glen (Maja) sa boss niyang si SPO2 Jerome Girona, Jr. (John Prats) at sa iba pang mga kasamahan niya sa trabaho gayundin kay Cardo (Coco Martin) at sa buong pamilya nito.

Habang nanonood, napapaisip kami kung aalis na ba ang aktres o kasama lang ito sa script para sundan siya ni Cardo.

Babalik ng Botolan, Zambales si Glen, una niyang assignment bilang policewoman at doon sila naging magkaibigan ni Cardo noong miyembro pa ng SAF hanggang sa nalipat ng Camp Crame para magpanggap bilang si Ador, ang kakambal na pinatay ni Joaquin (Arjo Atayde).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kumpirmadong mawawala na sa Ang Probinsyano si Maja dahil may commitment siya ngayong Agosto.

“Maglalabas kami ng official statement sa pag-alis ni Maja sa Ang Probinsyano hindi dahil pasaway siya or unprofessional” ayon sa taga-ABS-CBN na nakatsikahan namin. “Sobrang love siya ng production, in fact ayaw nga siyang pakawalan kasi she’s doing well at maganda ‘yung love triangle nila nina Coco at John.

“’Kaso na-extend ang Ang Probinsyano, eh, may prior commitment na pala siya ngayong buwan, hindi naman puwedeng hindi niya gawin ‘yun kasi nakakontrata siya. Actually, malungkot si Mads (palayaw ni Maja) pero ano’ng magagawa niya?”

Parang natatandaan nga namin na may sinabi si Maja nang huli namin siyang makatsikahan na may gagawin siyang project pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano at ito siguro ‘yun.

Sino nga naman ang mag-aakalang mai-extend ang aksiyong serye ni Coco, di ba, Bossing DMB?

Kami man ay nanghihinayang sa pag-alis ni Maja dahil ang ganda ng papel at ng exposure niya sa Ang Probinsyano bukod pa sa number one ito sa ratings game.

Palaisipan tuloy sa amin kung sino ang papalit kay Maja o ipapasok bilang love interest ni John at magkakagusto kay Coco.

Hmmm, parang may alam na kami, Bossing DMB, young, pretty, mestiza and bubbly! Hula lang naman, ha-ha-ha!

(REGGEE BONOAN)