PAGDATING sa hunky actors, sadyang namumukod tangi si Zac Efron. Ngunit sa bagong panayam ng The Times ng London, ibinunyag ni Efron na nahihirapan pa rin siya sa paghahanap ng karelasyon.

“Dating is something I’ll never be able to do,” pag-amin ng star ng Mike and Dave Need Wedding Dates. “As in the dictionary definition of dating, because one way or another I’ve impacted that person’s life and they’ll soon realize it. A date has to be very long to dispel whatever people think of me.”

Pero hindi nangangahulugan na hindi na sinubukan ni Zac na magkaroon ng kasintahan. Simula nang makipaghiwalay sa kanyang girlfriend na si Sami Miró noong nakaraang spring, sinubukan ni Zac na mag-sign up sa Tinder, isang dating app, ngunit walang kumontak sa kanya. “They thought [my profile] was fake,” paliwanag niya.

At kung mas masuwerte ang ibang mga celebrity sa dating apps, tiyak naman na nasa magandang kalagayan si Zac. Sina Khloé Kardashian, Ronda Rousey, Andy Cohen, Eric Stonestreet, at Ryan Lochte ay ilan lamang sa kilalang mga celebrity na umaming sumubok ng maghanap ng kanilang suwerte sa online. - Yahoo Celebrity
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter