GINAMIT ni Jessica Alba ang entablado ng 2016 Teen Choice Award para maiparating ang kanyang mahalagang mensahe hinggil sa gun violence.

Sinamahan ang aktres ng sampung kabataan – kabilang ang anak ni Alton Sterling – na ang pamilya ay nagbiktima ng gun violence at shootings sa United States, pati na rin ang mga insidente sa Baton Rouge, Dallas, San Bernardino, Sandy Hook, Orland, at marami pa, na ibinalita ng E-Online.

Habang ipinapakilala ng kabataan ang kanilang sarili at binabanggit ang pangalan ng kanilang kapamilyang nasawi dahil sa gun violence, ipinakikita naman ang litrato ng mga ito sa screen.

“Tonight we stand together with these teens, united in our call for peace and an end to this violence,” ani Alba.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Now, more than ever, we need to stop, feel and ask, ‘What’s going on?’” dagdag niya.

Kasunod nito, umawit ang singer na si Ne-Yo ng emotional rendition sa What’s Going On ni Marvin Gaye. Sinamahan siya ng mga audience sa nakabagbag-damdaming sandali ng awards show na sinabayan ng pagpapailaw ng kanilang mga cellphone bilang pagbibigay respeto sa mga biktima. - MB Entertainment