NEW DELHI (AP) – Dalawang bus ang nahulog sa bumabahang ilog nang gumuho ang isang lumang tulay sa kanluran ng India, iniwang nawawala ang 22 katao at posibleng namatay, sinabi ng mga opisyal nitong Miyerkules.

Hindi pa nakikita ng mga rescuer ang mga bus at wala pa ring survivor ilang oras matapos bumigay ang tulay sa Mumbai-Goa highway dakong hatinggabi noong Martes sa Maharashtra state.

Sakay ng dalawang bus ang kabuuang 18 pasahero, dalawang driver at dalawang konduktor.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline