GALING mismo kay Piolo Pascual na mas napikon siya sa pang-aaway sa kanya ng ilang LizQuen fans nina Liza Soberano at Enrique Gil kaysa isyu na dala ng pagba-viral ng picture nila ng anak na si Iñigo Pascual.

Na-bash si Piolo ng ilang LizQuen fans dahil lang sa sinabing gusto niyang makasama sa pelikula si Liza, pero sa tamang panahon, hindi pa naman ngayong active ang love team nila ni Enrique. Ibig sabihin, gustong makatrabaho ni Piolo si Liza kapag mas mature na ang dalaga.

Minasama ng ilang LizQuen fans ang wish ni Piolo at ang akala’y inaagaw niya si Liza kay Enrique.

“Tina-tag ako ng LizQuen fans ng mga below the belt comments. Inaaway ako. I’ve talked to their handler. Gusto ko lang sabihin sa LizQuen fans, kilala n’yo na ako?” reaction ni Piolo.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Hindi masyadong pinapansin ni Piolo iyong isyu sa nag-viral na picture nila ni Iñigo, ipinaliwanag lang niya na sadyang ganoon sila ka-affectionate sa isa’t isa, kaya mainggit na lang ang mga malisyoso.

“May mga tao talagang malisyoso kaya wala na tayong magagawa. Nakaka-disappoint lang ang dumi ng isip ng ibang tao.

Napagalitan ko nga si Moi (his trusted PA) dahil siya ang kumuha ng picture namin at nag-post,” sabi ni Piolo.

Anyway, sa August 13, na ang lipad nina Piolo, Raikko Mateo, Jerald Napoles at Yen Santos para sa shooting ng pelikulang Once In A Lifetime. Co-produced ito ng Regal Films, Star Cinema at Spring Films na isa si Piolo sa mga may-ari.

Gusto ni Piolo na masanay na sa weather bago pa simulan ni Direk Dondon Santos ang shooting.

Sobrang lamig daw kasi sa New Zealand ngayon, so kailangang masanay sa klima ang apat, kaya mauuna silang magtungo roon. (NITZ MIRALLES)