TOKYO (AP) — Limang sports, kabilang ang surfing at skateboarding ang posibleng maidagdag sa Tokyo 2020 Games.

Bukod sa dalawang sports, inirekomenda ng International Olympic Committee (IOC) General Assembly ang karate, sports climbing at baseball/softball sa calendar of sports sa Tokyo Games.

Nakatakdang ilabas ng IOC ang final decision sa limang sports sa Agosto 3, dalawang araw bago ang opening ceremony ng Rio Games.

Sa pagbibigay ng ayuda, binigyan pansin ng IOC ang gender equality, youth appeal at legacy value ng limang sports.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa pagkakasama ng limang sports, madadagdagan ng 18 event at 474 atleta – lalaki at babae – sa Tokyo Olympics.