MAGPAPAHINGA muna sa lahat si Lindsay Lohan .

Ang Mean Girls star, na naging usap-usapan at headline noong weekend nang akusahan ng kanyang boyfriend na si Egor Tarabasov na nagtataksil sa sunud-sunod na social media messages na binura na rin ng aktres, ipinahayag niya noong Martes na siya ay “taking time for myself.”

Humingi rin siya ng paumanhin sa paglalabas niya ng mga personal na bagay sa publiko.

“I am sorry that I’ve exposed certain private matters recently. I was acting out of fear and sadness,” saad ni Lohan sa Instagram. “We all make mistakes. Sadly mine have always been so public.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inamin ng aktres na, “should have been more clear minded rather than distract from the good heart that I have.”

Tinapos ni Lohan ang kanyang post na may pahiwatig sa walang katiyakan niya sa hinaharap at muling nagparinig hinggil sa kanyang relasyon.

“Maybe things can be fixed… Maybe not… I hope they can,” saad niya. “But I am 30 years old and I do deserve a #GENTLEgiant Life is about love and light. Not anger.” (Yahoo Celebrity)