GUSTO namin ang sagot ni Matteo Guidicelli sa basher niya na wagas kung makapintas.

Sa sinabi ng basher na, “Mediocre Actor, Mediocre Singer, Mediocre Athlete at Useless BF” siya, ang sagot-patanong ni Matteo: “Ikaw, ano ka?”

Marami ang kumampi kay Matteo laban sa basher na matapang lang dahil nagtatago sa keyboard. For sure, hindi niya ito masasabi nang harap-harapan kay Matteo.

Hindi maintindihan kung bakit may bashers na grabe kung manira ng celebrities, as if naman may mga narating at may mga napatunayan na sila. Tama lang na sumagot si Matteo, pero sana hindi na niya ulitin.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Kung sabagay, ang kaibigan nga niyang si Luis Manzano, hinding-hindi pumapayag na lait-laitin ng bashers kaya lagi itong nakikipagsagutan sa social media. (Nitz Miralles)