OSLOB, Cebu – Apat na katao ang namatay at dalawang iba pa ang nasugatan nang bumulusok sa bangin ang sinasakyan nilang boom truck sa Barangay Canangcaan sa Oslob, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jon Rey Sanchez, 36; Roger Dano; Dolly Domaob, 22; at Genisa Alicanda, 47 anyos.

Inabot ng halos 24 na oras bago tuluyang nahugot sina Daño at Dumaog mula sa truck.

Sugatan naman sina Franklin Arizo, truck driver; at ang obrerong si Joel Sanoy, ayon sa pulisya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay PO2 Ariel Taguiam, ng Oslob Police, patungong bayan ang truck matapos magtrabaho sa Bgy. Can-ocban nang biglang pumalya ang preno hanggang tuluyang bumulusok sa 70-talampakan ang lalim na bangin. (Mars W. Mosqueda, Jr.)