Magbibigay ng personal na pagbati at papuri si Russian President Vladimir Putin sa kontrobersyal na koponan ng Russian Olympic team bago tumulak patungong Rio nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Sinuportahan ng International Olympic Committee ang Russia noong Linggo, matapos hindi dinggin ang panawagan na total ban sa national team ng Russia kaugnay ng iskandalo sa doping test ng state-run doping laboratory.

Ilan sa 387-member Russian team ang mananatiling maglalaro sa Rio Games.

Matatandaang hindi na pinapayagang maglaro ang mga atleta ng Russia sa track-and-field dahil sa doping scandal at pinagpasiyahan na rin na hindi isali ang pitong Russian swimmer, kasama ang four-time breaststroke world champion Yulia Efimova sa darating na Olympics sa Agosto 5-21.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa ilan pang mga ulat patungkol sa pag-asa ng Russia na makasungkit ng medalya, tinanggal na ang dalawang modernong pentathletes at limang Russia canoe sprinter – kabilang ang 2012 Olympic champion Alexander Dyachenko - ng kanilang governing body.

Pahayag naman ng International Judo Federation (IJF) sa Reuters na 11 manlalaro ng Russia ang kwalipikado para sa Rio Games ang papayagang lumaban, isang hakbang na ikinatuwa ni Putin na isang blackbelter ng judo at honorary president ng IJF.

Sasalihan naman ang pangkat ng Russian judo ng 18 Russian shooters na klinarong makakapaglaro sa International Shooting Federation, pati na rin ang equestrian team ng nasabing bansa. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)