KAYO ba ay feeling bagets pero hindi naman angkop sa edad dahil sa lumawlaw na ang balat sa mukha? Huwag mag-alala dahil may nadiskubreng treatment ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na muling magpapabalik sa inyong batang hitsura.

Ang Power Cell Lift ay isang proseso ng paglalagay ng multiple threads sa mukha para mabanat ang balat. Lahat ng gamit para sa proseso na ito ay matibay at safe, walang mararamdamang sakit at ‘minimal invasive’ lamang ang klasipikasyon ng proseso.

Sa mga matagal nang may problema sa pimples o acne, may kasagutan ang beauty expert at host na si Ricky Reyes.

Panoorin kung paano malulunasan ng magnesium ang problemang ito sa pamamagitan ng ‘healing facial treatment’ na maaari lamang makuha sa lahat ng sangay ng Gandang Ricky Reyes Salon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At ang mga reyna ng Ms. Philippines Earth 2016 ay magbabahagi ng kanilang beauty secrets and regimens kung bakit sila sexy at beauty sa loob at panlabas na anyo.

Lahat ng ito ay mapapanood ngayong Sabado, 9-10 AM, sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh sa GMA NewsTV.