DALLAS (AP) — Sa nakalipas na 18 season, walang koponang nilaruan si German superstar Dirk Nowitzki kundi ang Dallas Mavericks.

At nabigyan niya ito ng tanging kampeonato may ilang taon na ang nakalilipas.

Bilang ganti sa katapatan ni Nowitzki, itinaas sa US$50 million mula sa naunang napagkasunduang US$40 million ang kontrata ng German star sa susunod na dalawang taon.

Kalakip sa kasunduan ang players option sa huling taon ng kontrata.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Naselyuhan ang usapin nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), ngunit hindi na nagpahayag nang pormal ang Mavs management. May nakuha namang kopya ang Associted Press mula sa isang opisyal na tumangging pangalanan.

Para makuha ang mga kailangang player, nagpabawas sa kanyang suweldo si Nowitzki na kumita lamang ng $8 million kada season sa nakalipas na dalawang taon. Sa bagong kontrata, si Nowitzki ang pinakamayamang Mavericks sa suweldong $25 million kada taon.

Ipinahayag ni Nowitzki na plano niyang maglaro sa Mavs hanggang sa kanyang ika-20 season.