PORTLAND, Oregon (AP) — Nakipagkasundo si CJ McCollum sa Portland para manatiling Blazer sa loob ng apat na taon at sa halagang $106 million.

Ipinahayag ng isang opisyal sa The Associated Press nitong Lunes (Martes sa Manila) na kumpleto na ang kontrata at ipahahayag ng management sa madaling panahon.

Tinanghal na NBA Most Improved Player si McCollum sa nakalipas na season matapos maitala ang averaged 20.8 puntos, 3.2 rebound, at 4.3 assist.

Mula sa pagiging stringer, napabilang sa rotation ng Blazers starting five ang 10th overall draft pick ng 2013.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nanatili ring Blazers sina restricted free agents Allen Crabbe at Meyers Leonard.

Samantala, lumagda na rin ng kontrata si free-agent forward Festus Ezeli mula sa Golden State at guard Shabazz Napier.