KAPAG may ibang tao, hindi halata sa aktor na apektado siya sa hindi kumitang pelikula niya na ipinalabas noon kasabay ang malakas na foreign at local movies na siyang naglaban sa takilya.

Pero sa isang umpukan ng mga artista sa isang show, napansing malungkot ang mga mata ng aktor kahit nakangiti naman.

Kinumusta siya ng malapit sa kanya pero nagkibit-balikat lang daw.

“Ayaw magkuwento, pero halata mong me problema. Pilit ang mga ngiti niya kasi may ibang tao, pero kaming malalapit sa kanya, alam namin, kasi kilala naman namin siya kapag masaya siya o hindi. Sinusuportahan namin siya,” kuwento ng isang taong kaumpukan ng grupo.

Teleserye

'Mas grabe!' David, nag-react sa dumaraming kissing scene nila ni Barbie

Good thing, suportado rin ang aktor ng TV network na pinaglilingkuran niya at panay pa ang guestings niya para iparamdam na kasama siya sa prime talents ng istasyon.

Hirit namin, prime talent naman talaga siya ng network, di ba?

“Oo, pero hindi niya kayang magsolo. Need niya ang ka-love team niya,” mabilis na sagot sa amin.

‘Yun lang! (Reggee Bonoan)