TALAVERA, Nueva Ecija – Nasa 14 na sako ng bigas ang tinangay mula sa isang Fuzu trailer truck na nakaparada sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay San Pascual sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng Talavera Police ang driver ng truck na si Heherson Lorenzo y Pollante, 45, ng Purok I, Bgy. Saranay, Cabatuan, Isabela na magde-deliver sana sa nasabing saku-sako ng bigas sa Metro Manila.

Sa imbestigasyon ni PO1 Reynaldo Cayog, Jr., dakong 8:30 ng umaga nang matuklasan ni Lorenzo na sinira ng mga hindi hindi nakilalang suspek ang canvass na nakatakip sa hulihang bahagi ng truck (RMN-471) at tinangay ang 14 na sako ng bigas.

Iniwan ni Lorenzo ang truck sa pagkakaparada para dumalaw sa kanyang nobya na nakatira malapit sa lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Light A. Nolasco)