Napunitan ng pantalon at dumanas ng power interruption, ngunit isinantabing lahat ni Star coach Jason Webb ang kaganapan para manatili ang focus – maipanalo ang Hotshots.

“Having a losing streak, I’m going to rip my pants again. Whatever it takes to win,” ang pabiro, ngunit makahulugang tugon ni Webb matapos makamit ng Star ang unang panalo, 105-102, kontra Globalport sa overtime.

Bumigay ang tahi ng pantalon ni Webb habang nakikipagtalo sa tawag ng referee sa third quarter. Kaagad itong nagtungo sa dugout para magpalit, ngunit sa pagbabalik sa bench, siya namang nagkaroon ng panandaliang power interruption.

Ayon sa Hotshots mentor, bahagyang naibsan ang nararamdaman nilang pressure pagkaraan ng naunang dalawang kabiguan nila ngayong 2016 PBA Governors Cup.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“We’re hoping that this will turn things around. GlobalPort played one hell of a game, but our guys played better enough,” ayon kay Webb. (Marivic Awitan)