MULA sa pagiging Loki, magbibida si Tom Hiddleston sa bagong pelikula na Kong: Skull Island bilang Captain James Conrad.

Masayang ibinahagi ni Tom ang kanyang litrato kasama sina John Goodman at aktres na si Brie Larson sa isang mammoth bone yard.

“Here’s the first shot from @kongskullisland. Can’t wait to show you more tomorrow at #SDCC2016,” saad niya sa kanyang tweet.

Ang Kong: Skull Island ang latest entry sa ilalim ng Warner Bros at Legendary Pictures. Idinirehe ni Jordan Vogtan Roberts, tampok sa pelikula ang pinagmulan ng mythic Kong sa isang action/adventure film na 1970s ang setting.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Tinutukoy ni Hiddleston sa kanyang tweet ang San Diego Comic Con 2016, kung saan kasama ang panels, seminar at workshops na may comic book professionals, may mga preview ang paparating na feature film, at portfolio review session kasama ang top comic book at video game companies

Sa isang interview na iniulat ng Entertainment Weekly, ipinangako ng director na si Vogt-Roberts na magdadala ng malalaking eksena sa buong storya, “From the size of the skull, you can tell that things on this island are much bigger than audiences are used to with traditional Kong lore.”

“Our Kong is by far the biggest Kong that you’ve seen on screen, and that translates to a lot of different things on the island,” dagdag ng direktor.

Makakasama ni Tom Hiddleston na gaganap bilang ang ex-British SAS tracker (Captain James Conrad) si Brie Larson bilang war photographer (Weaver) at sina Samulel L. Jackson, John Goodman, John C. Reiley, Corey Hawkins, Tobey Kebbel, at marami pang iba.

Ang kaabang-abang na pelikula na Kong:Skull Island ay ipapalabas sa mga sinehan sa Marso 2017. (MB Entertainment)