Nagtala nang magkasunod na panalo ang Sportswriters at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes para higpitin ang kapit sa liderato sa ginaganap na 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Binigo ng Sportswriters ang Poker King Club, 88-79, bago nito nailusot ang mahigpit na 88-80 panalo sa PAGCOR para sa 3-1 karta at solong hawakan ang liderato ng torneo na hangad makapagkalap ng pondo para kay sportswriter Mike Lee.

Binigo naman ng BSP ang Philippine Sports Commission, 94-52, bago pinigilan ang Full Blast Digicomms, 93-89, upang iangat ang karta sa 2-2.

Nahulog ang Poker King Club at Full Blast Digicomms sa 3-2 karta, habang nasa likod nito ang BSP at PAGCOR na kapwa may 2-2 marka. Nasa ikaanim ang PSC na may 2-3 karta, kasunod ang Sports TV5 na may 1-2 rekord at ang Sports Photogs (0-1).

Ang torneo ay isinasagawa para maipagpatuloy ang pagpapagamot ni Lee.

John Amores na dating namaril, nagbabalik-PBA!

Walong koponan ang kasali sa torneo na suportado ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE, kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez. - Angie Oredo