NAGING panauhin ng King of Talk sa Tonight With Boy Abunda ang Spanish actor na si Andreas Muñoz na bida sa Filipino film na Ignacio de Loyola, tungkol sa unang Jesuit o nagtatag ng Society of Jesus, produced ng Jesuit Communications Foundation.

Directed by Paulo Dy, na isang Pilipino, ang naturang pelikula na ipapalabas na sa Pilipinas ay kinunan sa Spain, sa mismong location din ng Games of Thrones.

Sa bagong update, kasali ang Ignacio de Loyola sa isang internatioanl filmfest.

Sa panayam ni Kuya Boy, ibinahagi ni Andreas ang karanasan sa pakikipagtrabaho sa Filipino crews.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“It was interesting. It was wonderful to be honest. I didn’t know much about Filipinos before, the Filipino filmmakers, or anything. After working with them I’m amazed at their craft, how they develop (their ideas), and how international they are – how good they are,” bungad ni Andreas.

Bagamat nakatrabaho na rin niya ang ilan sa mga sikat na international filmakers like Guillermo del Toro, aniya, pinapahalagahan niya ang pakikipagtrabaho sa mga Pinoy.

“It’s true. The thing has to be said. I always say to Paolo Dy that I find this country really rich and it is still to be discovered. And I would love to see more Filipino films made international. I mean, why not? Let’s aim for that,” magandang sabi pa ni Andreas.

Pangatlong pagbisita na ngayon ni Andreas sa Pilipinas at payag siyang gumawa ng pelikula rito kapag inalok siya ng project.

Ipapalabas na sa Miyerkules, July 27, sa mga sinehan ang Ignacio de Loyola na tiyak na panonoorin ng mga kababayan nating malaki ang natutuhan at tumitingala sa Jesuits. --Ador Saluta