LAUGH trip ang trailer ng Regal Films movie na That Thing Called Tanga Na na tungkol sa buhay ng magkakaibigang bading at nag-iisang babae na kabarkada nila.

Ito ang pelikulang trailer pa lang, alam nang maganda nga at nakatatawa na at sabi na rin ni Direk Joel Lamangan, puno talaga ng katatawanan at may konting drama. Showing na ang pelikula niyang ito sa August 10.

Swak na swak sa kanya-kanyang role sina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto. Kasama na rin ang iba pang cast na kinabibilangan ni Ken Alfonso.

Naniwala ang press sa sinabi ni Eric na masaya sila sa taping at nag-jive ang buong cast dahil ramdam sa presscon ang kanilang closeness. Hindi pakitang tao at for show sa press people ang friendship ng cast na tiyak mas magiging close pa sa promo ng pelikula. “Perfect cast” ang tawag sa kanila nina Direk Joel at mga producer na sina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

Isa sa inaabangan sa movie si Kean na gumaganap na beking fashion designer. Sobrang nakakatawa si Kean at nabanggit na hanggang off-cam, dala niya ang karakter ni C.C.

“Preparation ko sa role at character ni C.C., nagtanong ako kung anong klaseng gay si C.C., naghanap ako ng peg at binasa nang maigi ang script. Nag-people watching din ako. I enjoy my role and I believe every character na ginagawa ko, may certain piece of me. I love C.C.,” pahayag ni Kean. (Nitz Miralles)