Nalasap ng Philippine women’s softball Blu Girls team ang ikatlong sunod na kabiguan sa loob ng apat na laro sa ginaganap na 15th World Women’s Softball Championship 2016 championship round laban sa Estados Unidos, sa Softball City 1 sa Surrey, British Columbia Canada.

Hindi man lamang nakaiskor ang Blu Girls sa loob ng pitong inning upang malasap ang 0-11 kabiguan kontra sa isa sa powerhouse softball team na US.

Nauna rito, natalo ang Blu Girls sa two-time silver medalist China, 1-7, gayundin sa dating kampeon na Australia, 1-11, para sumala sa 10-team Group 2 championship round.

Nagawang pumalo ng mga Pinay clouters ng 2-1 karta sa group stage play sa Group B kung saan naungusan nito ang Czech Republic, 1-0, bago nakakuha ng forfeiture sa Pakistan. Gayunman nabigo ito kontra sa Netherlands, 2-7. (Angie Oredo)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA