Bumuo ng task force ang pulisya para imbestigahan ang pagpatay sa isang barangay chairman at sa dalawang body guard nito na tinambangan ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Palanas, Calbayog City, Samar, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Francis Cano, chairman ng Bgy. East Awang, Calbayog City; isang Tisoy Rabi; at Ramil Macato.

Magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo ni Cano nang mangyari ang pananambang pagsapit sa Bgy. Palanas.

Nauna rito, sinabi ng Calbayog City Police na sumuko si Cano sa pulisya dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman ang pagsuko ni Cano sa pagkakapatay dito, na pinaniniwalaang gawa ng kasabwat nitong sindikato ng droga.

Posible, ayon sa pulisya, na pinatay si Cano upang hindi nito maibunyag ang pangalan ng mga kasabwat na sindikato.

(Fer Taboy)