KILIG ang hatid ng KathNiel, JaDine, at Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Maja Salvador sa libreng pag-ere ng hit movies nila na She’s Dating The Gangster, Talk Back and You’re Dead, at First Day High sa buong buwan ng Hulyo para sa lahat ng SKY prepaid subscribers.

Daniel Padilla, Kathryn BernardoPanoorin ang kuwento ng campus gangster na si Kenji (Daniel Padilla) at ni Athena(Kathryn Bernardo) sa pagkukunwari nila bilang magkasintahan para magselos ang ex-girlfriend ni Kenji sa She’s Dating The Gangster.

Kilig din ang ihahatid ng Talk Back and You’re Dead ng JaDine. Mapapanood na si Samantha mahuhulog ang loob ni (Nadine Lustre) kay Top (James Reid), ang leader ng tinaguriang Lucky 13 Gang at ang kanilang adventures para mapanatili ang kanilang pag-iibigan.

Kukumpletuhin ang lineup ng libreng movie marathon ng pelikulang First Day High na all-star cast ang bida. College freshmen dito sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, Geoff Eigenmann, at Jason Abalosna masasangkot sa isang malaking misteryo sa kanilang university.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Available ang libreng movie screening sa SKYcable prepaid subscribers sa Metro Manila, CAMANAVA/Rizal, Cavite, Laguna, San Jose del Monte Bulacan, Bacolod, Baguio, Cebu, Davao, Dumaguete, General Santos, and Iloilo. Samantala, mapapanood naman ng SKYdirect subscribers ang tatlong pelikula kahit saan sa bansa dahil transmitted gamit satellite ang signal ng SKYdirect.

Para mapanood ang libreng movie marathon, kailangan lang na may load balance ang subscribers. Maaring mabili ang load para sa SKYcable prepaid at SKYdirect sa SKYZones and SKY business centers, SM Store, Save More, SM Hypermart, Waltermart, Alfamart, Cebuana Lhuillier, Touch Pay (Mini Stop), ULoad, Bayad Center, 7-eleven and ECPAY outlets, Load Central partners (Netopia, USSC, MLhuillier, 1Bro and SST Laptop) at sa Load Xtreme.

Layunin ng SKY na mas mapatatag pa ang bond ng bawat pamilya nationwide sa libreng pag-eere ng dekalidad na mga pelikula sa lahat ng prepaid subscribers.

Huwag palampasin ang tatlong teen-oriented movies ng libre sa buong buwan ng Hulyo. Para mag-apply bilang SKY cable prepaid subscriber, i-text ang APPLY NAME at i-send sa 23662. Para sa mga gustong maging SKYdirect subscriber, mag-send lang ng text sa 23668.