OPELIKA, Alabama (AP) — Kung nabigo si Phil Mickelson sa kanyang record-breaking, 62, higit pa ang naitala ni Jhonattan Vegas. Iyon nga lang hindi niya ito nagawa sa British Open.

Matapos pumaltos na makalahok sa British Open, nalaglag ang Venezuelan Olympic qualifier para sumabak sa Barbasol Championship kung saan naghihintay pala ang kanyang tadhana.

Naitala ni Vegas ang course-record 11-under 60, tampok ang hole-in-one, isang eagle at anim na birdie, kabilang ang huling dalawang hole.

“You have to celebrate a round like this,” pahayag ni Vegas.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“They don’t come that often and every chance you do it, I just have to celebrate it.”

Mula sa sosyong liderato kay Angel Cabrera sa first round matapos ang iskor na 65 sa Grand National’s Lake Course, tangan ni Vegas ang six-stroke na bentahe sa nakopong 17-under 125 total matapos ang second round.

Namintis lamang niya na maging ikapitong player sa PGR Tour na nakaiskor ng 59.

Sa Royal Troon, nagmintis si Mickelson sa kampanyang maging kauna-unahang player na nakaiskor ng 62 sa major championship.