Nagsalo sa liderato ang Poker King Club at Full Blast Digicomms matapos ang magkahiwalay na panalo nitong Biyernes sa 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Tinalo ng Poker King Club ang PAGCOR via forfeiture habang binigo ng Full Blast Digicomms ang Philippine Sports Commission, 104-77, sa torneo na hangad makapagkalap ng pondo para kay Bandera sports correspondent Mike Lee.

Kapwa-bitbit ng Poker King Club at Full Blast Digicomms ang 2-1 marka.

Ang torneo ay isinasagawa para makatulong kay Lee na nagtamo ng stroke habang nasa coverage ng isang multi-sports event sa Antique noong Nobyembre 10 at patuloy na nangangailangan ng panggastos para sa kanyang rehabilitasyon at maagang paggaling.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Walong koponan ang kasali sa torneo na suportado ng F2 Logistics Cargo Movers at Sports CORE, kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.

Kasali sa liga ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Poker King Club, PAGCOR, Full Blast Digicomms, Sportswriters Philippine Sports Commission, Photographers at ang Sports TV5.