Agad na pagsisilbihan ng DFA NCR-Central ang mga overseas Filipino worker (OFW) na magre-renew ng kanilang pasaporte sa Robinson’s Galleria, ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Inaabisuhan ng DFA ang mga aplikanteng OFW na pumunta sa nasabing opisina mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at tiniyak na maipoproseso agad sa araw ding iyon ang lahat ng pasaporte na may kumpletong dokumento.

Bagama’t sarado pa ang mall at magbubukas ito ng 10:00 ng umaga, aasikasuhin na ng DFA NCR-Central ang mga aplikante na darating sa tanggapan sa pagitan ng 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali upang hindi maabala ang mga ito.

(Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter