CAMILING, Tarlac – Isang paaralan sa bayang ito ang napaulat na pinasok ng mga hindi nakilalang kawatan at natangayan ng mahahalagang gamit na aabot sa mahigit P100,000 ang kabuuang halaga.

Ayon kay PO2 Raymund Austria, natangay mula sa Bilad Elementary School ang isang laptop computer na nagkakahalaga ng mahigit P30,000, Infocus projector na nasa P46,000 ang halaga, at Epson projector na nagkakahalaga ng P30,000, at sa kabuuan ay aabot sa P106,000. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog