CONCEPCION, Tarlac - Kapag umaambon at madulas ang kalsada ay marami ang nabibiktima ng vehicular accident, gaya ng nangyari sa Barangay Alfonso sa bayang ito, nang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo, na ikinasugat ng tatlong katao.

Kinilala ni PO3 Aries Turla ang mga biktimang sina Mark Santin, 28, may asawa, driver ng Motorstar motorcycle (CA-79168) ng Cabanatuan City, Nueva Ecija; Mark Anthony Reyes, 17, driver ng Sym Bonus motorcycle; at angkas niyang si John Kevin Mallari, 19, kapwa taga-Bgy. Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Dakong 5:20 ng umaga kahapon at patungo si Santin sa Bgy. Santiago sa Concepcion nang makasalpukan niya ang kasalubong na motorsiklo ng dalawang teenager. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog