TAIPEI, Taiwan (AFP) – Naghatid ng kaguluhan ang bagyong Nepartak sa Taiwan nitong Biyernes, dahilan upang magsilikas ang mahigit 15,000 katao mula sa kani-kanilang tahanan.

Nanalasa ang unang pinakamalakas na bagyo ng taon sa Taimali township sa Taitung nitong Biyernes, nagdala ng malakas na pag-ulan, nagbunsod upang magsara ang mga tanggapan at eskuwelahan, at kanselasyon ng daan-daang biyahe sa himpapawid.

Dose-dosena ang naitalang sugatan, na karamihan ay nabagsakan ng iba’t ibang bagay.

Halos 4,000 nagsilikas ay dinala sa New Taipei City.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline