BINASAG na ni Keonna Green ang kanyang katahimikan kaugnay sa usap-usapang siya ay buntis. Sa panayam ng US Weekly sa kanya, inamin ni Keonna na siya ay 22 linggo nang nagdadalantao at ito ay “200 percent Nick’s child.”

Naghiwalay ang Los Angeles Lakers player at “Fancy” rapper nitong nakaraang buwan makalipas ang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan at naging engage simula noong Hunyo 2015.

Nagdesisyon silang maghiwalay ilang buwan matapos kumalat ang isang video ni Nick Young na ibinahagi ang kanyang karanasan sa ibang babae. Samantala, sinabi naman ni Iggy na patas na sila nang malaman niyang niloko siya nito sa sarili niyang tahanan. Bilang sagot, nag-tweet si Nick at sinabing, “If you perfect then be perfect I live in a world where ppl f*** up learn from it and move on.”

Isiniwalat ni Keonna na nagsimula ang relasyon ng dalawa noong Setyembre, tatlong buwan matapos ma-engage nina Nick at Iggy. “We would take our son to Magic Mountain together,” pahayag ni Keonna. “But sometimes Nick would say, ‘Oh, there’s too much traffic,’ and he’d just play with Nicholas in his room. We got caught up in the moment and it just happened. I would be like, ‘Nick, you cannot be sloppy. You need to be honest [with Iggy].’ He would say, ‘I don’t want to hear it.’”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi naman direktang nagbigay ng komento sina Nick at Iggy tungkol kay Keonna. Sa tweet ng rapper nitong nakaraang linggo, sinabi niya na, “I find it baffling anyone would make the choice to bring a child into the world under these circumstances + want attention and $ for it.” Ngunit hindi nakararamdam ng konsensiya si Keonna tungkol dito. “I’m not the reason they separated,” aniya, idinagdag na, “I didn’t feel guilty because I was in love with a man.”

(Yahoo News/Celebrity)