TARLAC CITY - Halos matulala sa takot ang isang 25-anyos na dalaga na matapos umihi sa comfort room ng Maria Cristina Park sa Barangay San Vicente ay hinarang ng security guard para halayin.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, nakilala lamang ang suspek sa pangalang Christopher, 31, may asawa, empleyado ng Salvation Security Agency at nakatalaga sa nasabing parke.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ma. Larmalyn Nuñez, dakong 12:15 ng tanghali nitong Huwebes nang nagtanong ang biktima sa suspek kung nasaan ang comfort room na itinuro naman ng huli, ngunit pagkatapos ay inabangan siya ng security guard at kinaladkad sa isang papag para halayin. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog