LIAN, Batangas – Patay ang isang 53-anyos na biyuda habang sugatan naman ang binatang anak niya matapos umano silang pagsasaksakin ng kanilang helper sa Lian, Batangas.

Namatay sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Arlene Guinez, residente ng Barangay Poblacion 1.

Ginagamot naman sa ospital ang anak niyang si Mark Guinez, 21 anyos.

Naaresto ang suspek na si Derrick Bungguyan, 28, tubong Misamis Occidental.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa report ni PO3 Primitivo Dayandayan, dakong 6:00 ng umaga nitong Hulyo 3 nang dumating ang suspek sa bahay ng mga biktima at pinagsasaksak ang biyuda, na tinangkang saklolohan ng kanyang anak, ngunit sinaksak din ito ni Bungguyan.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pananaksak. (Lyka Manalo)