Tinawag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na “absurd” at “frivolous” ang kasong multiple homicide na isinampa laban sa kanya kaugnay ng palpak na operasyon ng pulisya sa Mamasapano noong Enero 2015.

“I am curious as to how Atty. Ferdinand Topacio intends to support his absurd accusations in connection to the tragedy that happened in Mamasapano. I guess this is to be expected from an attention-seeker such as he,” pahayag ni Aquino.

Kabilang din sa kinasuhan si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at ang sinibak na SAF director na si Getulio Napeñas.

Depensa ni Aquino, naiwasan sana ang insidente kung sinunod lang ni Napeñas ang kanyang mga utos.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“Aquino should be held liable for the brutal bestial deaths of the elite cops due to negligence, imprudence, lack of foresight and lack of skill in the planning, preparation and execution of Oplan Exodus,” ayon sa reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Isinampa ang kaso laban kay Aquino isang araw matapos ang kanyang termino. (Genalyn Kabiling at Rommel Tabbad