MUKHANG walang maibigay na project ang manager sa kanyang alagang struggling actress na nasa awkward stage o hindi pa masabi kung dalaga o bata dahil sa body structure niya.

Panay ang tanong ng struggling actress sa manager niya kung ano ang next project niya pagkatapos ng pelikulang horror na hindi naman siya napansin dahil one of those lang ang papel niya.

Magdadalawang taon na ang nakaraan pero wala pa ring bagong project ang struggling actress, kaya siguro kung anu-ano na lang ang ginagawa nito sa sarili, nariyang paiba-iba ang kulay ng buhok, panay ang post sa social media ng latest activities niya, at nakikita na laging kasama ang isa ring struggling actor na nasa awkward stage din dahil mukha ring bagets pa.

Masyado kasing nagmamaganda ang struggling actress kaya hindi siya nagtatagal sa network na nagbigay dati sa kanya ng break. Nag-feeling sikat agad siya kaya nagpalit ng manager na ikinaloka ng idinispatsa niya.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Nabigyan ulit ng chance ang struggling actress sa isang TV show pero hindi rin tumagal sa hindi na malamang dahilan.

Kaya dahil natengga na ng ilang taon, umalis na naman sa ipinalit na manager at TV network.

Pero hindi pa tapos ang istorya, hindi na naman nakuntento sa bagong manager kaya nagpalit ulit, at napunta sa sikat na talent manager ng mga sikat na artista. Pero ang ending, itong struggling actress lang ang hindi pa rin sumisikat.

Tinanong namin ang ilang taong nakapaligid sa struggling actress kung ano ang problema sa struggling actress.

“Baguhin niya ang pagiging inggitera niya, baka sakali pang may patunguhan ang career niya… kung may career man siya.”

‘Yun naman pala ang sagot, inggitera numero uno siya, kalurky! (REGGEE BONOAN)