MARAWI CITY – Isang tauhan ng Philippine Army ang napatay habang nasugatan ang tatlo pang kasamahan nito nang tambangan sila ng Maute Group sa Barangay Tampilong, Marawi City sa lalawigan ng Lanao del Sur, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Col. Roseller Murillo, commander ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, kinilala ang napatay na si Sgt. Abdulajid Yusop.

Nasugatan naman sa katawan at leeg sina Capt. Elzhoor Jimlah, commander ng 1st IB Delta Company, at mga Private First Class (PFC) Santua at Duncano.

Tinutugis ngayon ng mga sundalo ang mga suspek na nagtatago sa Marawi City. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog