ALMATY, Kazakhstan (AP) — Ipinasara rin ng World-Anti Doping Agency (WADA) ang Olympic drug test laboratory sa Kazakhstan, apat na araw matapos ipatigil ang operasyon sa isang accredited laboratory sa Rio, Brazil.

Ayon sa WADA, sinuspinde nitong Martes (Miyerkules sa Manila), ang laboratory sa dating bansang sakop ng Russia dahil sa kabiguang masunod ang mga panuntunan ng ahensiya.

‘This is a direct result of the more stringent quality assessment procedures enacted by WADA,”ayon sa opisyal na pahayag ng ahensiya.

Naghigpit ang WADA dahil sa pagkakatuklas sa 55 samples ng mga atleta na sumabak sa 2008 at 2012 Olympics ang nagpositibo sa droga sa isinagawang re-testing.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ito ang ikaanim na laboratory na sanctioned ng WADA sa buong mundo ang naipasara. Bukod sa Rio, sinuspinde rin ang operasyon sa China, Spain, South Africa, at Portugal.