CALASIAO, Pangasinan - Tinapos ng isang 27-anyos na lalaki ang sariling buhay makaraang magbigti sa Barangay Banaoang sa bayang ito.

Dakong 8:20 ng umaga nitong Sabado nang natagpuang wala nang buhay si Mario Quinto, Jr., 27, helper, at residente ng Bgy. Banaoang, Calasiao.

Natagpuan ang bangkay ni Quinto na nakabigti ng lubid sa loob ng kuwarto, sa ikalawang palapag ng bahay ng kanyang pamilya.

Lumilitaw na bago nagpakamatay si Quinto ay nakipag-usap ito sa asawa sa Facebook at nag-post pa ang biktima ng litrato ng kanyang leeg na may natatalian ng lubid bago siya tuluyang nagpakamatay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinaniniwalaang may malalim na problema si Quinto sa kanyang misis at ito ang naging dahilan para wakasan niya ang sariling buhay. (Liezle Basa Iñigo)