NAKAKALOKA ang bashers ni Alden Richards, naghahanap talaga ng puwedeng ipanira sa kanya. After Julie Anne San Jose at Patricia Tumulak, kay Kim Domingo naman siya pilit inili-link dahil nakita raw ang dalawa sa Solaire Resort and Casino.

Walang naniwala sa kuwentong ito dahil ni hindi pa nga yata nagkikita sina Alden at Kim, ‘tapos palalabasing may relasyon.

Saka sa dami ng mga ginagawa ni Alden at laging may appointment, mas uunahin niyang matulog kaysa makipag-date.

Curious kaming malaman ang reaction ng aktor sa panibagong tsismis para lang siraan at pabagsakin siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Siguradong magugulat sa tsismis na ito pati ang kaagaw ni Heart Evangelista kay Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story na si Kim. Sobrang bilis naman niyang maka-move on dahil kamakailan lang siya nakipag-break sa boyfriend niya.

Ang galing humanap ng tiyempo ng bashers ni Alden dahil itinaon pa ang tsismis na ito ngayong malapit na ang showing ng movie nila ni Maine Mendoza na Imagine You & Me. Mabuti na lang at walang naniwala sa AlDub Nation fans sa isyu, katunayan tinawanan lang nila ito.

Kaya lang, mali ang paniwala ng Aldub Nation na mas matanda si Kim kay Alden dahil 21 years old lang si Kim, kasing edad lang halos ni Maine. Saka, bakit kay Alden siya inili-link, wala naman silang project together?

Samantala, positive ang feedback sa trailer ng Imagine You & Me maging sa non-AlDub fans. Nakakaengganyong panoorin ang buong pelikula na showing sa July 13 mula sa direction ni Mike Tuviera.

Masaya kami para kay Direk Mike dahil kinain ng mga walang tiwala sa kanya ang mga naunang sinabing hindi raw maganda ang pelikula dahil hindi siya gumagawa ng rom-com.

May nabasa pa nga kami na nag-request sa APT Films at GMA Films na palitan siya ni Direk Joyce Bernal. Napahiya siguro ang mga hindi naniwala sa kakayahan ni Direk Mike. (NITZ MIRALLES)