AL-QAA, Lebanon (AFP) – Lima katao ang napatay sa serye ng mga pambobomba noong Lunes ng umaga sa isang Lebanese village malapit sa magulong hangganan sa Syria.

Nangyari ang pag-atake ilang oras matapos akuin ng grupong Islamic State noong Linggo ang isang suicide attack na ikinamatay ng pitong sundalo sa hangganan ng Jordan sa Syria.

Apat na suicide blasts ang tumama sa Al-Qaa, isang pamayanan ng karamiha’y Kristiyano, bago magbukang-liwayway ayon sa militar.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline