GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 36-anyos na magsasaka na hinihinalang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga ang natagpuang nakabulagta malapit sa irrigation canal sa Barangay Narvacan II sa bayang ito.

Kinilala ng Guimba Police ang bangkay na kay Robles Acosta, 36, may asawa, ng Bgy. Narvacan, na nadiskubre ng kapitbahay na si Eugenio Nanip, 43, habang nakahandusay malapit sa irrigation canal.

Ayon sa report, abala si Acosta sa pagtatrabaho sa bukid nang isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagpatulong sa pagsusukat ng parsela ng sakahan.

Gayunman, nang lumapit si Acosta ay bumunot ng baril ang suspek at malapitang pinagbabaril ang biktima bago mabilis na umangkas sa kasabwat niyang nakasakay sa motorsiklo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng pulisya na inamin ni Ricardo Acosta, ama ng biktima, na totoong sangkot ito sa ilegal na droga. (Light A. Nolasco)