Sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si Department of Agriculture (DA) acting director Jose Balatucan, Jr. dahil sa pamamalsipika umano nito ng mga trip ticket noong 2012.

Ipinahayag ng Office of the Ombudsman na kinasuhan nila si Balatucan ng 13 bilang ng falsification of public documents makaraang ideklara nito sa mga trip ticket ng isang government vehicle ng kagawaran na “siya pa rin ang Regional Technical Director for Research and Development” ng DA.

“Upon review of the evidence, the Ombudsman found that he falsely stated in the trip tickets that he was the Regional Technical Director (RTD) for Research and Development. At one time, Balatucan and his wife used the vehicle without authority to go to the Davao International airport,” ayon sa Ombudsman.

Binanggit din ng anti-graft agency sa kanilang ruling na alam ni Balatucan na hindi na siya ang nakapuwestong RTD nang pirmahan niya ang mga trip ticket makaraang masibak siya sa puwesto. (Rommel P. Tabbad)

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte