Saku-sakong toxic puffer fish, o butete, ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang ibinebenta sa Pili Public Market sa Camarines Sur.

Sa report ng BFAR, nakatanggap ng ulat ang ahensiya kaugnay ng pagbebenta ng butete sa nasabing palengke kaya nagsagawa sila ng pagsalakay.

Sinasabing ang butete ay ibinebenta ng P100 bawat kilo.

Una nang nagpalabas ng babala ang BFAR sa publiko na iwasan ang pagkain ng butete matapos mapaulat ang ilang insidente ng pagkalason dahil sa pagkain nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaan kamakailan lang ay napaulat na apat na bata sa probinsiya ang nalason sa pagkain ng butete, at dalawa sa mga ito ang namatay. (Beth Camia)