UMINGAN, Pangasinan – Marahil dala ng sobrang kalasingan kaya aksidenteng nabaril ng isang lalaki ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Carayungan Sur sa bayang ito.

Sa naantalang ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang nasawi na si Zorayda Gamboa, 42, na natamaan sa dibdib at agad nitong ikinamatay.

Habang ang suspek ay nakilalang si Freddie Gamboa, 47, na aksidenteng nabaril ang asawa gamit ang .9mm pistol, dakong 6:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Nais lang ipakita ng suspek ang pag-aari nitong baril sa kaibigang si Danilo Lacasandile, 29, pero pumutok ito at tinamaan si Zorayda.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Noong una ay nagturuan pa sina Freddie at Danilo kung sino sa kanila ang nakabaril, pero sa imbestigasyon ay nabatid na mismong ang mister ang responsable sa pagkasawi ng sariling asawa.

Narekober ng pulisya ang isang .9mm pistol, isang bala at dalawang basyo. (Liezle Basa Iñigo)