Nasawi ang isang matandang babae makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek matapos mapagkamalang asset ng pulisya sa Malabon City, nitong Miyerkules ng hatinggabi.

Dead on the spot ang biktima na nakilala lamang sa alyas na Lola Marie, 60, masahista, residente ng Sangandaan, Caloocan City, dahil sa tama ng bala ng .38 caliber revolver sa mukha.

Ayon sa report, dakong 12:40 ng hatinggabi nang barilin si Lola Marie habang nasa loob ng bahay ng kanyang kaibigan sa Phase 1, Lot 1, Paradise Village, Letre Road sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Nabatid na nakituloy muna ang matanda sa bahay ng kaibigang si Yolly Llado para maghanap ng kostumer na mamasahihin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Himbing umano sa pagkakatulog si Lola Marie sa bahay ni Llado nang biglang pumasok ang hindi kilalang suspek at binaril sa mukha ang matanda.

Hindi na nakaporma ang pamilya Llado sa takot na sila naman ang pagbalingan ng salarin.

Malaki ng posibilidad na napagkamalang asset ng pulisya ang biktima, dahil nagkalat sa lugar ang mga drug pusher. (Orly L. Barcala)