Nasasabik na si World Boxing Organization (WBO) ranked No.1 junior welterweight Jason “El Niño” Pagara na muling makasama sa iisang boxing event ang kanyang nakababatang kapatid na si “Prince” Albert.

Sa darating na Hulyo 9 sa San Mateo Event Center, California matutupad ang kahilingan ni Pagara (38-2, 23 knockout) dahil sasabak siya bilang co-main feature ng pangalawang US event ng ALA Promotions International, Inc. na Pinoy Pride 37: Fists of the Future.

Dumating si Pagara noong Mayo sa Los Angeles kasama si Mark “Magnifico” Magsayo na naghahanda rin para sa kanyang September 24 fight. Makakatunggali niya sa 10-round match si Mexican Abraham Alvarez (21-9-1) makalipas lamang ang halos isang buwan niyang pahinga nang lumaban siya sa undercard ng Donaire-Bedak world championship bout na ginanap sa Cebu City noong Abril.

“We are determined to give the fans a good show. Our training for the past weeks has definitely been better compared to when we were with all the other fighters from our gym in the Philippines. Right now, both our coaches are only focused on the three of us,” sabi Pagara sa PhilBoxing.com.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Umakyat na sa loob ng ring sa Estados Unidos si Pagara sa unang pagkakataon noong Oktubre nang ikasa ng ALA Promotions ang kanilang US debut event sa sikat na Stubhub Center sa Carson, California na Pinoy Pride 33:

Philippines vs the World.

Naikamada niya roon ang impresibong 2nd round knockout kontra kay dating WBA super featherweight Interim title challenger Santos Benavidez.

Kagagaling naman ng makakatunggali ni Pagara na si Alvarez sa tagumpay noong Hunyo 11 sa Mexico. Itinanghal din siyang dating Mexican super lightweight champ at kabilang sa mga malalakas na fighter na nakaharap niya ay sina 2015 WBA light welterweight champion Jose Benavidez at dating IBF Pan Pacific welterweight champion Wale Omotoso.

(Gilbert Espena)