Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa report ng Phivolcs, dakong 9:00 ng umaga kahapon nang maitala ang tinatawag na phreatic eruption ng bulkan.
Ang naturang ash emission ay naramdaman eksaktong 13 araw na ang nakalilipas simula nang maitala ang unang pagbuga nito ng abo, na aabot sa dalawang kilometro ang taas mula sa bunganga nito, noong Hunyo 10.
Kaagad namang pinawi ni Phivolcs Director Renato Solidum, Jr.ang pangamba ng publiko dahil normal lamang umano ang nasabing insidente sa mga aktibong bulkan na tulad ng Bulusan. (Rommel P. Tabbad)